Matagal na kong may nararamdaman
kaso nga lang
Ang puso mo ay may ibang laman
Ang pag asa'y
Tuluyan na akong nilayuan , ano ba yan!
Hahayaan na lang bang mapunta sa kawalan
Ang pagtingin ko
na kinimkim ko
Pag ikaw ang katabi, kailangan ng katinko
kasi nahihilo sa kaba't baka mapansin mo
pag titig, may pag ibig , siguradong mabibisto
kasi nga ayoko na iyong malaman
dahil kuntento na ako sa ganitong galawan
hindi ako kinakabahan,ang gusto ko lang tignan, sulyapan ang taglay mo na kagandahan
patuloy ko nalang na itatago ang kilig
pag ibig ko sa puso aking isasantabi
pagkat wala namang pagasa at ayoko lang umasa
takot nang masaktan ayaw nang umasa sa chamba
Hanggang pangarap nalang
ba kita mahahagkan
haplos ng 'yong kamay di na mararamdaman
hanggang tingin nalang ba ?
sa labi mong mapula
higpit ng akap mo'y di na mararanasan pa.
Siguro ay panahon na para aminin itong nadarama
baka kasi pag nilihim ko pa ay masayang lang
Bukas na bukas ay sasabihin ko na talaga
ayain ko kaya na lumabas nang mapaghandaan
buong gabi nakaharap sa salamin ensayo para magaling ang pagkakalahat ng dapat sambitin
naglalakas ang isip sabi niya \"sana'y makarating ang pagtingin nang hindi lang sa isip kayang lambingin\"
Ang takot ko siguro kailangan ko nang tanggalin, ginto bawat segundo ibigay mo kung mamahalin
dapat lang palakasin ang loob para matulak ang puso sa gusto niyang palabasin
pero nakakainis
kasi di ko maalis
ang paigiging torpe yan tuloy
tuluyang lumihis
nabalitaan ko nalang na pinopormahan ka na
ng iba ako'y laging kinokontra ng hiya
Hanggang pangarap nalang
ba kita mahahagkan
haplos ng 'yong kamay di na mararamdaman
hanggang tingin nalang ba ?
sa labi mong mapula
higpit ng akap mo'y di na mararanasan pa.